Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 67,907

By Mary Rose Cabraless December 28, 2020 - 04:55 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (December 27, 3:00 PM) nakapagtala ng 62 na bagong kaso kaya pumalo na sa 67,907 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,767
Laguna – 18,044
Batangas – 11,497
Rizal – 14,483
Quezon – 6,116

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,672.

Nasa 61,350 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 50 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 16,317
Laguna – 16,480
Batangas – 10,718
Rizal – 12,656
Quezon – 4,979

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 1,885 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 499
Laguna – 409
Batangas – 335
Rizal – 467
Quezon – 175

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Excerpt:
1,885 na ang bilang ng mga nasawi sa rehiyon.

 

TAGS: calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health, calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.