Mga blankong plaka ninakaw sa bodega ng LTO

By Den Macaranas March 29, 2016 - 08:33 PM

car-license-plates-lto-philippines
Inquirer file photo

Libo libong piraso ng mga blankong plaka ng sasakyan ang ninakaw sa mismong loob ng bodega ng Land Transportation Office (LTO) sa East Ave. Quezon City.

Sinabi ni LTO spokesman Jason Salvador na aabutin ng mahigit sa milyong pisong halaga ng pera ang nasayang dahil sa nasabing nakawan.

Bukod sa Philippine National Police, gusto ni LTO Chief Robero Cabrera na pumasok na rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI).

Nagtataka ang opisyal kung paanong mawawala ang ganoong karaming blank aluminum plates samantalang dalawa ang gate na dadaanan ng sinuman na gustong pumasok sa bodega.

Binanggit din ng opisyal na may mga guwardiyang naka-duty nang maganap ang nakawan noong holy week.

Nauna dito ay naging sentro ng kontrobersiya ang LTO dahil sa kabiguan nilang maibigay sa oras ang mga plaka ng mga sasakyan sa mga car owners.

TAGS: Cabrera, lto, NBI, Plate, PNP, Cabrera, lto, NBI, Plate, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.