Lalaki, arestado matapos saksakin ang kapitbahay sa Valenzuela

By Chona Yu December 27, 2020 - 02:11 PM

Valenzuela PNP photo

Arestado ang isang lalaki matapos saksakin ang kapitbahay sa L. Bernardino St., Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Kinilala ni Police Lt. Armando Delima, Valenzuela City Detective Management Unit chief, ang suspek na si Erwin Bagtas, 33-anyos

Ayon kay Delima, napagtripan ni Bagtas na saksakin ang kapitbahay na si Eduardo Mercado, 55-anyos.

Galing ng sari-sari store ang biktima kasama ang pamangkin at apo nang harangin ng suspek.

Nanghingi ang suspek ng sigarilyo sa biktima.

Dahil walang maibigay na sigarilyo ang biktima, hinablot ng suspek ang dalang pera na P1,000.

Nagalit ang biktima at sinuntok ang suspek.

Habang pauwi na ang biktima, hinabol siya ng suspek at sinaksak ng kutsilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima.

Gayunman, binawian din ng buhay ang biktima dahil sa dami ng saksak.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan nagtago sa bahay ng kapatid sa Antipolo.

TAGS: Eduardo Mercado, Erwin Bagtas, Inquirer News, Radyo Inquirer news, stabbing incident, valenzuela pnp, Eduardo Mercado, Erwin Bagtas, Inquirer News, Radyo Inquirer news, stabbing incident, valenzuela pnp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.