Pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga pulitiko, wala sa prayoridad ni Pangulong Duterte

Photo credit: Sen. Bong Go

Wala sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga pulitiko.

Ayon kay Senador Bong Go, chairman ng Senate committee on Health, tanging ang mga mahihirap, frontliner, indigent people ang mauunang tuturukan ng bakuna.

Ayon kay Go, ang tanging nais lamang niyang maunang maturukan ay sina Helath Secretary Francisco Duque at vaccine czar Carlito Galvez.

Ito ay para maipakita at mapatunayan sa publiko na ligtas ang mga bakunang binili ng Pilipinas.

“Hindi po sila (pulitiko) ang uunahin. Ang punto dito, dapat ipakita nila na may kumpiyansa. Kailangan nating ipakita na mapagkakatiwalaan ang vaccine. Para sa mahihirap, dapat safe at effective na vaccine, at libre po ito dapat sa mahihirap,” pahayag ni Go.

Sa unang quarter ng taong 2021, inaasahang darating na sa bansa ang mga bakuna kontra COVID-19.

Read more...