DSWD nagbabala na huwag gamitin sa pamumulitika ang 4Ps

dinkyrally
Inquirer file photo

Iginiit ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na malaya ang mga benipesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na iboto ang nais nilang kandidato sa May elections.

Kasabay nito ang paglilinaw ni Soliman na walang karapatan o kapangyarihan ang mga Barangay officials na tanggalin sa listahan ang mga benepisaryo ng programa.

Nakarating sa kaalaman ni Soliman na may mga opisyal ng Barangay ang tinatakot ang mga benepisaryo na aalisin sila sa listahan kung hindi iboboto ang mga iniendorso na mga kandidato.

Dagdag pa ng kalihim na ito ang dahilan kaya’t pinadadalo nila ang mga benepisaryo sa Family Development Sessions lalo na ngayong election season para malaman ang kanilang mga karapatan.

Giit ni Soliman, ang pananatili sa listahan ng mga benepisaryo ay nakadepende sa pagsunod nila sa mga kondisyon ng programa at hindi sa desisyon ng sinomang lokal na opisyal.

Read more...