2 lider ng communist terrorist group, timbog sa Sorsogon

Arestado ang dalawang lider ng communist terrorist group matapos magsagawa ng operasyon ang militar sa Barangay Lalud sa Bulusan, Sorsogon.

Nakilala ang mga suspek na sina Enriquita Guelas alyas Cora/Corazon Escandor na secretary ng Larangan 2, Komiteng Probinsya 3 (KP3) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) at Elizabeth Estilon alyas Lanie na medical staff ng grupo.

Nabatid na si Guelas ay asawa ni Winefredo Guyala Griego alyas Adax/Lolo na may ranggong number 2 ng Platoon 2.

Nakatakas si Griego sa naturang operasyon.

Ayon kay Major General Henry Robinson Jr, pinuno ng Joint Task Force Bicolandia, nagbabalak sana ang mga naarestong komunista na manggulo noong araw ng Pasko sa Sorsogon pero nasawata ng pinagsanib na puwersa ng 31st Infantry Battalion (31IB) at PNP Sorsogon.

Nakuha sa mga suspek ang ilang piraso ng baril, mga pampasabog at terroristic propaganda materials.

Ayon kay Robinson, dahil walang umiiral na Suspension of Military Operations (SOMO) sa panahon ng Kapaskuhan, tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga kalaban ng estado.

Read more...