Hindi nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Huwebes, December 24), nasa 12,828 na overseas Filipinos (OFs) pa rin ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 84 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,575 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay nanatili sa 8,342.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 911.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,654 na kaso.
Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 2,647 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 1,746 naman kaso ang sa Europe at 781 sa Americas.