Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Quezon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 20 kilometers northwest ng bayan ng San Francisco, alas-11:41 umaga ng Sabado (December 26).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensity 2 sa Gumaca, Quezon.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian ngunit inaasahan ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.2 na lindol sa lugar kahapon December 25.
MOST READ
LATEST STORIES