Pilot testing ng face-to-face classes hindi na matutuloy ayon kay Pangulong Duterte

Kinansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot testing para sa face-to-face classes sa buwan ng Enero.

Ayon sa pangulo, binabawi niya ang kaniyang pag-apruba sa naturang panukala.

Inanunsyo ito ng pangulo sa ipinatawag na pulong sa mga miyembro ng IATF sa Malakanyang.

Ito ay dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19 na mas mabilis kumalat o makahawa.

Samantala, sinabi naman ni Department of Education Sec. Leonor Briones na tutugon sila sa utos ng pangulo.

Agad aniyang ipatutupad ng DepEd ang atas ng pangulo na i-recall ang pilot testing ng face-to-face classes sa susunod na buwan.

 

 

 

 

Read more...