Biyahero na galing UK nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2020 - 07:37 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroong biyahero mula sa UK ang dumating sa bansa at nagpositibo sa COVID-19.

Pero ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hindi pa tiyak kung ang COVID-19 na tumama sa biyahero ay bagong variant.

Sinabi ni Duque na ang pasyente ay kabilang sa 79 na biyahero na dumating sa Pilipinas galing UK mula nnoong December 22.

Sa 79 na biyahero, 72 ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang ang 7 ay dumating sa Clark International Airport.

Dalawa sa kanila ay nakabalik na sa UK habang 77 pa ang nasa bansa.

Lahat sila ay isinailalim sa COVID-19 test at 59 dito ang may resulta na kung saan, 1 nga ang positibo ayon kay Duque sa pulong ng Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Duque, magsasagawa pa ng pagsusuri ang mga eksperto mula sa Philippine Genome Center upang matukoy kung bagong variant ang COVID-19 na tumama sa pasyente.

 

 

 

 

 

TAGS: COVID-19 new variant, COVID-19 positive, pandemic, traveler from UK, COVID-19 new variant, COVID-19 positive, pandemic, traveler from UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.