Endorsement power ni Erap minaliit, PNoy mas mahusay ayon sa Malacañang

By Alvin Barcelona March 29, 2016 - 07:58 PM

aquino-estrada
Inquirer file photo

Kumpiyansa ang Malacañang na mas malakas ang endorsement power ni Pangulong Noynoy Aquino kumpara kay dating Presidente at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Kasunod ito ng pag-endorso ni Erap sa kandidatura nina Senador Grace Poe at Senador Bongbong Marcos sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay communications Sec. Sonny Coloma Jr., pinili ni Pangulong Aquino sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Vice-Presidential bet Leni Robredo sa paniniwalang ang mga ito ang mga lider na magpapatuloy ng magandang pamamahala na kailangan para sa tuloy tuloy na pag-unlad ng bansa.

Kumpiyansa sila na ito ay itataguyod ng mga botante oras na pumili ang mga ito ng susunod na Pangulo at Bise Presidente ng bansa.

Idinagdag pa ni Coloma na malakas pa rin ang hatak ng Pangulo sa mga botante at ramdam nila ito sa kanilang ginagawang pag-iikot sa ibat ibang panig ng bansa.

TAGS: Aquino, Coloma, Estrada, poe, roxas, Aquino, Coloma, Estrada, poe, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.