Mga pasyente sa ospital sa Balay Pahulayan sa Southern Philippines Medical Center tumanggap ng regalo mula kay Sen. Bong Go

Tumanggap ng Christmas gifts mula kay Senator Bong Go ang mga pasyente, kanilang mga bantay at mga staff sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Nagtungo sa ospital ang team mula sa tanggapan ni Go para ihatid ang tulong noong bisperas ng Pasko.

Ilang taon nang tradisyon ni Go ang pagbibigay ng regalo sa mga pasyente, kanilang bantay at hospital workers sa Balay Pahulayan kapag panahon ng Pasko.

Kabilang sa ipinagkaloob ang libreng meals, Christmas buckets na naglalaman ng Noche Buena packs, masks at face shields.

“Mayroon akong pinadala diyan sa mga kapatid natin dahil alam kong hirap tayo ngayong Pasko lalo na dito sa hospital sa mga pasyente, importante na matulungan sila. Babati lang ako sa inyo ng ‘Merry Christmas and Happy New Year’,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.

Payo ni Go sa mga pasyente, patuloy na maging matatag, magdasal at magmalasakit sa kapwa.

“Marahil sinusubok ang ating pananampalataya at katatagan ngayong taon. Patuloy lang po tayong magdasal at magmalasakit sa kapwa. Alagaan natin ang ating kalusugan at panatilihing ligtas ang ating komunidad — iyan ang pinaka-importanteng mapapamahagi natin ngayong Pasko,” ayon sa senador.

Ipinaalala din ni Go ang serbisyo ng Malasakit Center na matatagpuan sa kalapi na gusali sa ospital.

Ayon kay Go, maaring makatanggap ng tulong ang mga pasyente sa Malasakit Center partikular ang medical assistance.

Layon aniya ng Malasakit Center na mapababa ang bill sa ospital sa pamamagitan ng tulong mula sa iba’t ibang ahesya ng pamahalaan.

Pinasalamatan ni Go si Dawn Banzon, ang in charge sa administration ng Balay Pahulayan, at ang mga medical workers at hospital staff.

“Pakiusap ko lang po ay unahin natin ang mga mahihirap, dahil kawawa po ang mga pasyente na walang malapitan kung hindi ang ating ospital lang po. Huwag natin pabayaan ang mga kababayan nating nangangailangan. Salamat po sa inyong serbisyo,” apela ni Go sa medical workers.

May mga piling benepisyaryo din ang tumanggap ng bisikleta na magagamit nila sa kanilang pagtatrabaho.

Habang ang iba ay nabigyan ng tablets na magagamit ng mga mag-aaral sa online learning.

“Mga kabataan, mag-aral kayo ng mabuti, ’yan lang po ang maigaganti sa ating mga magulang na nagpapakamatay po na mapaaral po ang kanilang anak,” paalala ni Go.

Go assured beneficiaries that once the COVID-19 vaccine is proven safe and effective, the government will prioritize and ensure access for the poor and the vulnerable sectors, as well as frontliners.

Kasabay nito, tiniyak ni Go na sa sandaling maging available na ang bakuna, prayoridad ng gobyerno ang mahihirap at vulnerable sectors, gayundin ang frontliners.

“Huwag kayong mag-alala, kapag mayroon nang safe na vaccine kapag approved na ng FDA (Food and Drug Administration) na safe na ang vaccine, uunahin namin kayong lahat para makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay,” ayon sa Senador.

Ayon pa kay Go: “Patuloy po kaming magseserbisyo sa inyo ni Pangulong Duterte sa abot po ng aming makakaya. Ingat po kayo palagi. Merry Christmas. Salamat po,”

 

 

 

 

 

Read more...