May edad 15 taong gulang pababa, bawal pumasok sa Rizal Park at Paco Park

Bawal munang papasukin ang mga bata na may edad 15 taong gulang pababa sa ilang parke sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa National Parks Development Committee, ito ay dahil sa tumataas na bilang na kaso at bagong virus strain ng COVID-19.

Ipatutupad ang bagong panuntunan sa Rizal Park at Paco Park simula sa December 26.

‘Until further notice’ itong epektibo sa mga nasabing parke.

Read more...