May dalawang low pressure area (LPA) na binabantayan ang PAGASA.
Sa abiso ng weather bureau, namataan ang isang LPA sa 50 kilometers East Southeast ng Zamboanga City bandang 10:00 ng umaga.
Nakapasok ang LPA ng Philippine Area of Responsibility (PAR) dakong 8:00 ng umaga.
Samantala, nabuo ang isa pang LPA sa Silangang bahagi ng Visayas kaninang 8:00 ng umaga.
Huling namataan ang LPA sa 315 kilometers Silangan ng Guiuan, Eastern Samar bandang 10:00 ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na malabong lumakas at maging tropical depression ang dalawang LPA sa susunod na 24 oras.
Bunsod nito, asahan ang light to moderate na kung minsan ay heavy rains sa Bicol Region, Eastern Visayas, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Romblon, Palawan (kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands), Zamboanga Peninsula, at Sulu Archipelago.
Mararanasan din ang kalat-kalat na rain showers and thunderstorms sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.