Halaga ng naibigay na Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, umabot na sa P157-M

By Angellic Jordan December 26, 2020 - 01:36 PM

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang 8:00, Huwebes ng gabi (December 24), umabot na sa 29,653 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.

Dahil dito, umabot na sa higit P157.5 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.

Samantala, higit P1.4 bilyon naman ang naipamahagi sa 204,409 na karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.