Silid-aralan sa Basilan pinasabog ng Abu Sayyaf

By Ruel Perez March 29, 2016 - 07:52 PM

abu-sayyaf-2
Inquirer file photo

Wasak ang ilang bahagi ng isang silid-aralan matapos ang nangyaring pagsabog ng bomba kagabi partikular sa may Barangay Kulay Bato, Lamitan City lalawigan ng Basilan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Bomb Disposal Team ng Philippine National Police (PNP), napag-alaman na inilagay ang IED o improvised explosive device sa loob ng grade 4 class room ng gusali ng Kulay Bato Elementary School.

Wala naman umanong napaulat na nasugatan dahil wala na umanong tao sa lugar nang mangyari ang pagsabog.

Grupo pa rin ng bandidong Abu Sayyaf ang tinitingnan ng otoridad na posibleng responsbale sa pagtatanim ng naturang mga IED.

Bukod sa mga tauhan ng AFP, tumutulong na rin ang PNP sa pagtugis sa mga bandidong nasa likod ng pagpapasabog.

TAGS: AFP, ASG, Basilan, Lamitan, PNP, AFP, ASG, Basilan, Lamitan, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.