Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 67,770
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (December 25, 3:00 PM) nakapagtala ng 47 na bagong kaso kaya pumalo na sa 67,770 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,763
Laguna – 18,007
Batangas – 11,441
Rizal – 14,462
Quezon – 6,097
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,820.
Nasa 61,069 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 43 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 16,317
Laguna – 16,476
Batangas – 10,675
Rizal – 12,627
Quezon – 4,974
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 1,881 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 499
Laguna – 407
Batangas – 335
Rizal – 465
Quezon – 175
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.