Magnitude 4.1 na aftershock naitala sa Calatagan, Batangas


Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers southwest ng bayan ng Calatagan, alas-9:24 gabi ng Biyernes (December 25).

May lalim na 102 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II – Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity I – City of Tagaytay, Cavite; Calatagan, Batangas

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.3 na lindol sa lugar kaninang umaga.

Read more...