Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
(UPDATE) Ibinaba sa magnitude 5.2 ang naunang naitalang pagyanig na magnitude 5.3 sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 89 kilometers Southeast ng Sarangani alas 10:00 ng umaga ng Biyernes, Dec. 25.
May lalim na 65 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensity:
Intensity II -Alabel, Sarangani
Intensity I – Kiamba, Sarangani; Koronadal City; General Santos City
Hindi naman ito inaasahang magdulot ng pinsala subalit maaring magdulot ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.