Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 67,723

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (December 24, 3:00 PM) nakapagtala ng 50 na bagong kaso kaya pumalo na sa 67,723 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,763
Laguna – 18,007
Batangas – 11,433
Rizal – 14,423
Quezon – 6,097

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,817.

Nasa 61,026 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 61 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 16,317
Laguna – 16,476
Batangas – 10,671
Rizal – 12,588
Quezon – 4,974

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 1,880 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 499
Laguna – 407
Batangas – 335
Rizal – 464
Quezon – 175

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

 

Read more...