Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 63 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-10:26 gabi ng Huwebes (December 24).

May lalim na 27 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

Read more...