Tumaas pa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.
Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH), 1,776 ang bagong naitalang kaso ngayong araw ng Huwebes (December 24) kaya umabot na sa 465,724 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa bansa.
533 naman ang bagong naitalang gumaling o naka-recover na sa COVID-19 sa bansa kaya umabot na ito sa 430,490.
Ang bilang naman ng nasawi ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na ito sa 9,055.
Paalala naman ng DOH ngayong ipinagdiriwang natin ang Pasko ay dapat limitahan lamang sa immediate family members ang mga pagtitipon, masusustansyang pagkain din ang ihain at laging tandaan ang pagsusuot ng face mask at face shield sa paglabas at iwasan din ang pakikihalubilo sa maraming tao.