Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers southwest ng bayan ng Calatagan, alas-6:32 gabi ng Huwebes (December 24).
May lalim na 114 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensity 2 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna nang niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lugar kaninang alas-12:16 ng tanghali.
MOST READ
LATEST STORIES