Operasyon ng Pasig River Ferry suspendido ngayong araw ng Pasko

Suspendido sa loob ng tatlong araw ang biyahe ng Pasig River Ferry para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, walang biyahe ang River Ferry ngayong Pasko, December 25; bisperas ng Bagong Taon, December 31 at sa Bagong Taon, January 1.

Sa December 26 hanggang December 30 ay normal ang operasyon ng River Ferry.

Balik din ito sa normal na operasyon sa January 2, 2021.

 

Read more...