WATCH: Christmas message ng DSWD sumentro sa pagbangon ng mga Filipino sa mga nagdaang kalamidad
Sa Christmas message ng Department of Social Welfare and Development, binalikan ang mga kalamidad at pagsubok na pinagdaanan ng bansa ngayong 2020.
Ayon sa ahensya, sa kabila ng mga pandemya, kalamidad, at iba pang mga pagsubok na nagpadilim sa pag-asa ng maraming Filipino, patuloy pa rin ang paglaban at pangarap sa isang magandang bukas.
Ngayong Kapaskuhan, sinabi ng DSWD na kaisa ang ahensya sa panalangin na pagtamo ng inaasam na lunas sa COVID-19.
Dasal din ng ahensya ang tuluyang pagbangon mula sa kahirapan ng maraming mga kababayan.
Tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.