James Harden pinagmulta ng NBA; nag-party at hindi nakasuot ng mask

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2020 - 11:09 AM

Pinagmulta ng NBA ng $50,000 si Houston Rocket star James Harden dahil sa paglabag sa COVID-19 protocols ng liga.

Ito ay makaraang lumantad ang video ni Harden habang nakikipag-party nang walang suot na mask.

Batay sa ulat ng Black Sports Online, ang Christmas party na dinaluhan ni Harden ay sa isang strip club sa Houston.

Bagaman private indoor party ito, nilabag pa din ni Harden ang rules ng NBA.

Sa kaniyang post sa Instagram, itinanggi ni Harden na strip club ang pinuntahan niya.

Nagpunta umano siya sa event para magpakita ng suporta sa kaniyang “homegirl” na na-promote sa trabaho.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Houston Rockets, Inquirer News, James Harden, NBA, NBA Protocols, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Houston Rockets, Inquirer News, James Harden, NBA, NBA Protocols, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.