Espesyal na pagkain ngayong araw at bukas araw ng Pasko handog ng Valenzuela LGU sa mga nasa isolation unit at frontliners

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2020 - 10:49 AM

Dahil Pasko, espesyal ang pagkain ngayong araw at bukas ng mga nasa isolation unit at mga frontliner sa Valenzuela City.

Handog ito ng Valenzuela City Government sa mga naka-isolate at sa mga naka-duty na frontliner ngayong Pasko lalo at malungkot na sila ay nakawalay sa kanilang pamilya.

“Mahirap mawalay sa Pasko dahil nasa isolation unit ka…the City Government wants our covid clients to know that they are always in our Minds, Thoughts and Prayers,” ayon kay Mayor Rex Gatchalian.

Ngayong bisperas ng Pasko, at bukas, Dec. 25 ay Christmas themed ang almusal, lunch at dinner na isisilbi sa mga nasa isolation unit at sa mga frontline workers na naka-duty sa isolation centers.

Sinabi ni Gatchalian na layon nito na kahit papaano ay maramdaman nila ang Christmas joy kahit sila ay malayo sa bahay at pamilya.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Christmas, food, frontliners, Inquirer News, Isolation Units, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City, Breaking News in the Philippines, Christmas, food, frontliners, Inquirer News, Isolation Units, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.