Egyptian plane na-hijack

By Den Macaranas March 29, 2016 - 02:59 PM

A man climbs out of the cockpit window of  the hijacked Egyptair Airbus A320 at Larnaca Airport in Larnaca, Cyprus, March 29, 2016     REUTERS/Yiannis Kourtoglou
REUTERS

(Update) Kinumpirma ng mga Egyptian authorities na biktima ng hijacking ang isang Airbus 320 plane ng Egyptair na ngayon ay nakalapag na sa Lanarca Airport sa bansang Cyrus.

Sinabi ng Egyptian Civil Aviation Authority na 55 ang pasahero samantalang 7 naman ang crew ng nasabing eroplano.

Sa inisyal na report, galing sa Burj El-Arab Airport ang nasabing at papunta sa Cairo nang bigla itong nag-divert ng ruta.

Paglapag sa Lanarca Airport ay kaagad ding pinababa ng mga hijackers sa eroplano ang mga pasaherong babae at mga bata ayon sa ulat ng pulisya sa Cyprus.

Sa pagpapatuloy ng negosasyon ay napilitan din ang hostage-taker na pakawalan na ang lahat ng mga pasahero maliban na lamang sa limang foreigners at pitong crew ng eroplano.

Hiniling din umano ng nag-iisang hijacker na si Seif el din Mustafa na makausap ang kanyang dating asawa na nasa Cyprus ngayon.

Napag-alaman din na hindi miyembro ng anumang terror group ang suspect.

Makalipas ang halos ay anim na oras ay pinalaya rin ni Mustafa ang lahat ng mga bihag bago siya nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng pag-daan sa bintana ng cockpit.

Ang naturang hijacker ay isinasa-ilalim na ngayon sa imbestigasyon ng mga otoridad at tumanggi rin silang kumpirmahin kung totoong may suot na explosive belt ang suspect.

Dahil sa nasabing hijacking ay pansamantala ring naghigpit ng seguridad ang mga paliparas sa U.S

 

TAGS: Cairo, Cyprus, Egypt, Egyptair, Cairo, Cyprus, Egypt, Egyptair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.