Kuta ng NPA nadiskubre sa Sultan Kudarat; bangkay ng dalawang tao natagpuan

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2020 - 08:39 AM

Habang nagsasagawa ng focused military operations ang mga tauhan ng 603rd Division Reconnaissance Company ng AFP, nadiskubre ang kuta ng New People’s Army sa Barangay Namat Masla, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng AFP – Western Mindanao Command, may mga barikada at bunkers sa natuklasang kuta na kayang makapag-accommodate ng higit-kumulang 20 katao.

Sinabi ni Col. Eduardo Gubat, Commander ng 603rd Infantry Brigade, may natagpuan ding katawan ng dalawang tao na ang isa ay babae habang ang isa ay hindi na matukoy dahil nasa advanced state na ito ng decomposition.

May mga nakuha ding propaganda materials.

Isasailalim sa pagsusuri ang dalawang bangkay ayon kay Gubat para matukoy ang pagkakakilanlan.

 

TAGS: 63rd Division Reconnaissance Company, AFP Westmincom, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, new people's army, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 63rd Division Reconnaissance Company, AFP Westmincom, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, new people's army, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.