Miyembro ng BIFF patay sa engkwentro sa Zamboanga City
Patay ang isang miyembro ng Islamic State-inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa engkwentro sa mga otoridad sa Datu Hoffer, Maguindanao.
Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command ng AFP, nagsasagawa ng checkpoint operations ang mga tauhan ng Limpongo Patrol Base sa Barangay Limpongo, Datu Hoffer nang maka-engwkentro ang hindi bababa sa 10 miyembro ng BIFF.
Tumagal ng 45-minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang kalaban habang isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary ang nasugatan.
Ang iba pang miyembro ng BIFF ay tumakas patungo sa bulubunduking bahagi ng Datu Hoffer.
Sinabi ni Col. Cresencio Sanchez, Jr., Commander ng 1st Mechanized Battalion, agad nadala sa ospital ang nasugatang CAA.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang katawan ng nasawing BIFF member na kinilalang si alyas Nasser Kandao.
May na-recover din na isang M16 rifle, isang XRM motorcycle, at dalawang short magazines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.