Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 213.73 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (December 24) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 214.37 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.59 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.63 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.48 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.50 meters.
Ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang San Roque at Caliraya dams.
Nagpapakawala naman ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.