ePortal at eServices ng FDA may maintenance hanggang Dec. 28

Hindi muna maa-access ng publiko ang ePortal at eServices ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa abiso ng FDA, sumasailalim sa maintenance ng kanilang Information and Communication Technology Management Division ang naturang mga serbisyo.

Tatagal ang maintenance hanggang sa December 28, 2020 alas 7:00 ng umaga.

Sa sandaling matapos ang maintenance ay muli nang magagamit ang FDA ePortal at eServices System.

 

 

Read more...