Dalawang senior citizen nasawi sa sunog sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2020 - 06:24 AM

(UPDATE) Patay ang dalawanglola sa sunog na naganap sa Moriones Street sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:30 ng madaling araw.

Nang mapasok ng mga tauhan ng Manila Fire Bureau ang bahay na natupok, unang natagpuan ang isang matandang babae na na-trap sa loob.

Sumunod ay nakita na rin ang katawan ng isa pang matandang babae.

Una nang iniulat ng kaniyang mga kaanak na na-trap sa loob ng bahay si Ginang Flor Hernandez, 88 anyos at kaniyang kapatid na babae at hindi na nila ito nagawang balikan.

Sugatan naman ang lolo na si Santiago Hernandez at nagtamo ito ng lapnos sa kaniyang balat.

Sa pahayag ni Lolo Santiago, sinubukan niya pang iligtas at buhatin ang kaniyang misis na si Flor, pati na ang kapatid nito para ilabas ito pero hindi niya kinaya dahil maging siya ay may edad na.

Alas 4:24 ng madaling araw nang maideklarang under control na ang sunog.

Umabot sa tatlong bahay ang nasunog at may mga nadamay ding sasakyan na nakaparada sa lugar.

 

 

 

TAGS: 2 dead, Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, manila, Philippine News, Radyo Inquirer, senior citizens, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 dead, Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, manila, Philippine News, Radyo Inquirer, senior citizens, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.