Christmas cash gift para sa mga senior citizen sa Pasig maari nang makuha

Naipasok na sa Landbank ATM Accounts ng mga senior citizen sa Pasig City ang kanilang Christmas cash gift.

Sa abiso ng Pasig Public Information Office, maaari nang ma-withdraw ang pamaskong handog sa ATM ng Landbank o iba pang bangko (may minimal na transaction fee),simula alas 7:00 ng umaga ngayong araw, December 24.

Ipagpapatuloy naman ang onsite distribution o pagbibigay ng cash cards sa Landbank branches sa Lunes at Martes.

Paalala ng LGU, sundin ang schedule na ipo-post sa Facebook page ng Pasig PIO para maiwasan ang pagdagsa sa mga Landbank branches.

 

 

Read more...