Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 67,673

By Mary Rose Cabrales December 24, 2020 - 04:45 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (December 23, 3:00 PM) nakapagtala ng 601 na bagong kaso kaya pumalo na sa 67,673 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,744
Laguna – 18,001
Batangas – 11,417
Rizal – 14,423
Quezon – 6,088

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,830.

Nasa 60,965 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 1,258 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,317
Laguna – 16,440
Batangas – 10,667
Rizal – 12,588
Quezon – 4,953

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 32 kaya umabot na sa 1,878 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 499
Laguna – 406
Batangas – 334
Rizal – 464
Quezon – 175

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health, calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.