2 multi-purpose buildings sa Zamboanga del Norte, natapos na

By Angellic Jordan December 23, 2020 - 04:28 PM

DPWH photo

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang multi-purpose building projects sa Zamboanga Del Norte.

Ayon kay Secretary Mark Villar, makatutulong ito pada suportahan ang nationwide community and school development at upang makapagbigay ng infrastructure projects sa panahon ng pandemya.

Sa ulan mula kay DPWH Region 9 Director Cayamombao Dia, nagkakahalaga ang multi-purpose building sa bahagi ng Barangay Poblacion sa Tampilisan ng P3.84 milyon.

Magsisilbi itong lugar para sa iba’t ibang training at seminar para mapagbuti ang productivity at capability ng nga magsasaka at negosyante.

Natapos na rin ang proyekto sa Kalawit Central School na may total budget allocation ng P3.84 milyon.

TAGS: DPWH, Inquirer News, Radyo Inquirer news, DPWH, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.