Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (December 23), umabot na sa 464,0004 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 24,984 o 5.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,196 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
81.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.5 porsyento ang asymptomatic; 0.32 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 27 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,048 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 564 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 429,972 o 92.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.