Gov. Remulla: ‘No lockdown’ sa Cavite

By Angellic Jordan December 23, 2020 - 03:22 PM

Nilinaw ni Cavite Governor Jonvic Remulla na walang ipatutupad na lockdown sa probinsya.

Ito ay matapos kumalat ang mga balita na muling isasailalim sa enhanced community quarantine o ECQ ang Cavite.

Ibinahagi ni Remulla ang bilang ng naitalang COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

“Admittedly, I am not proud of these numbers because COVID remains undefeated. Pero hindi ko maitatagong very proud ako sa mga Caviteño dahil talaga namang bumaba na ng husto ang mga positibong kaso natin,” pahayag nito sa Facebook.

Dagdag pa nito, “Siguro naman ay maaari na nating maipagmalaki na kahit papaano ay umangat ang antas ng pagmamasid at pag-iingat ng ating mga kalalawigan laban sa pandemya na nagparalisa sa ating lahat nitong 2020.”

Aniya, ayon sa Provincial Health Surveillance Officer, mananatili sa MGCQ ang Cavite sa Kapaskuhan.

Ngunit, bawal pa rin aniya ang Christmas parties o gatherings.

TAGS: Cavite under MGCQ, Christmas during pandemic, Gov. Jonvic Remulla, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Cavite under MGCQ, Christmas during pandemic, Gov. Jonvic Remulla, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.