Mga negosyanteng magsasamantala sa panahon ng Pasko dapat isumbong sa DTI ayon sa malakanyang

By Chona Yu December 23, 2020 - 11:26 AM

Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na agad na isumbong sa Department of Trade and Industry (DTI) kung may mga negosyanteng magsasamantala ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring tumawag sa DTI hotline na 1-384 o mag-e-mail sa [email protected].

May inilabas na suggested retail price aniya ang dti para sa mga pang noche buena item gaya ng hamon, fruit cocktail, keso, queso de bola, spaghetti, macaroni, tomato sauce, sandwich spread, mayonnaise at creamer.

Sa ngayon, wala aniyang pagtataas ng presyo sa mga pang noche buena item.

Ayon kay Roque, base sa abiso ng DTI, ang presyo ng mga produktong ito ay nasa presyong 2019 simula noong November 15 hanggang December 31, 2020.

 

TAGS: DDTI, noche buena items, SRP, DDTI, noche buena items, SRP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.