Ilang barangay sa Sta. Ana, Cagayan lubog pa sa baha

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2020 - 10:56 AM

Lubog pa rin sa baha ang ilang mga barangay sa Sta. Ana, Cagayan.

Bunsod ito ng nararanasang pag-ulan na dulot ng Tail end of a frontal system.

Sa inilabas na update ng Cagayan Provincial Information Office, may mga bahay pa din na lubog sa baha sa mga Barangay ng Sta. Clara, Dungeg, Marede, Batu-Parada at Casagan.

Sa pinakahuling Heavy Rainfall Advisory ng PAGASA, makararanas pa rin ng katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Baggao at Gattaran, Cagayan.

Habang mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan naman sa mga bayan ng Camalanuigan, Claveria, Gonzaga, Santa Ana at Sanchez Mira.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, rainfall warning, Sta. Ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tail-end of a frontal system, Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, rainfall warning, Sta. Ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tail-end of a frontal system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.