P202.9M natipid ng Manila LGU sa utang sa buwis, inilaan sa bakuna vs COVID-19

By Chona Yu December 23, 2020 - 10:32 AM

Pinasalamatan ni Mayor Isko Moreno Domagoso si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay matapos aprubahan nito ang kahilingan ng alkalde na kanselahin ang tax liability ng LGU Manila sa BIR.

Nag-ugat ito sa hindi pagbabayad ng buwis ng dalawang nakaraang administration na ngayon ay lomobo sa halagang P202 milyon.

Agad namang inilaan ni Mayor Isko ang natipid na P202.9 milyong pondo para sa pambili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ang naturang P202.9 milyon ay nagmula sa maliit na halaga na dapat babayaran ng Manila LGU na lumobo dahil sa kapapabayaan ng mga nagdaang administrasyon sa pagbabayad ng buwis sa BIR.

Kaugnay nito ay pinuri naman ni Commissioner Dulay ang pagiging proactive ni Mayor Isko.

Aniya, kung hindi dahil sa pagkilos ng alkalde ay maaaring nawala na nang tuluyan ang P202.9 milyon sa Lungsod ng Maynila.

 

 

 

TAGS: BIR, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, Manila City, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BIR, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, Manila City, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.