Global cases ng COVID-19 mahigit 78.3 million na
Umabot sa mahigit 578,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos araw ng Miyerkules, (Dec. 23) ay 78,320,105 na ang global cases ng COVID-19.
Sa magdamag, mahigit 173,000 ang bagong kaso na naitala sa US.
Sa Brazil nakapagtala ng mahigit 55,000 na bagong kaso sa magdamag.
Mahigit 36,000 naman ang mga bagong kaso na naitala sa UK.
Ang Germany ay nakapasok sa top 10 na mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ang Germany ng mahigit 22,000 na bagong kaso ng COVID-19 at maungusan ang datos ng Argentina.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 18,658,915
India – 10,099,303
Brazil – 7,320,020
Russia – 2,906,503
France – 2,490,946
UK – 2,110,314
Turkey – 2,062,960
Italy – 1,977,370
Spain – 1,838,654
Germany – 1,556,611
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.