BREAKING: Pagsuspinde sa lahat ng flights galing UK inaprubahan ni Pangulong Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspinde sa lahat ng flights na galing ng United Kingdom.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kagabi inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ng IATF na ipatupad ang flight suspension galing UK mula 12:01AM ng December 24 hanggang sa December 31.
Sakop ng travel restrictions ang lahat ng pasahero na nasa UK 14 na araw o higit pa bago ang biyahe nila sa Pilipinas.
Gayundin ang mga pasaherong in transit na.
Kung ang pasahero ay nasa transit na at darating sa Pilipinas bago mag 12:01 ng madaling araw ng December 24 ay hindi pa sila sakop ng restrictions.
Pero ayon kay Roque, kinakailangan nilang sumailaim sa istriktong 14 na araw na quarantine period at testing protocols sa New Clark City sa Pampanga kahit n nag-negatibo sila sa RT PCR Test.
WATCH: Palace spokesperson Harry Roque announces the temporary suspension of all flights from the United Kingdom to the country starting Dec. 24 until Dec. 31 due to the new coronavirus strain. | @DJEsguerraINQpic.twitter.com/jd1dxmHmRL
— Inquirer (@inquirerdotnet) December 23, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.