Publiko pinag-iingat sa mga nagpapanggap na collecting agent ng Maynilad

Pinag-iingat ng Maynilad ang publiko laban sa mga nagpapanggap na empleyado nila o authorized collecting agent at nagbabahay-bahay para maningil ng water bill.

Ayon sa abiso, walang inootorisa ang Maynilad na kumolekta o maningil ng bayad kahit pa ang kanilang mga empleyado o service providers nila.

Tanging sa mga authorized payment channels lamang maaring magbayad ng water bill.

Paalala ng Maynilad sa publiko, maging mapanuri at huwag magpapaloko.

 

 

 

Read more...