WHO magpupulong para talakayin ang bagyong strain ng COVID-19

Nagpatawag ng pulong ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang hakbang kaugnay sa bagong strain ng COVID-19 na natuklasan sa United Kingdom.

Ayon kay Hans Kluge, regional director for Europe ng WHO, masusing binabantayan ng WHO ang ang paglaganap ng bagong variant ng COVID-19.

Sa gagawing pagpupulong, tatalakayin ang stratehiya para sa COVID-19 testing, reducing transmission at communicating risks.

Magaganap ang pulong ngayong araw, December 23 alas 5:00 ng hapon oras sa Pilipinas.

Ilang mga bansa na kabilang ang India at Argentina ang nagpatupad na ng travel ban sa Britain sa pangambang mapasukan sila ng bagong strain ng coronavirus.

 

 

 

Read more...