Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales December 23, 2020 - 06:55 AM

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 214.37 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (December 23) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 215.71 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.63 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.60 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 79.50 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.62 meters.

Ang water level ng Pantabangan dam ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga, San Roque, Magat at Caliraya dams.

Nagpapakawala naman ng tubig ang Angat, Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

TAGS: ambuklao, Binga, Caliraya., FormerPantabanganNuevaEcijaMayor, La Mesa, Luzon Dams, Magat, PAGASA-Hydrometeorology Division, pantabangan, San Roque, ambuklao, Binga, Caliraya., FormerPantabanganNuevaEcijaMayor, La Mesa, Luzon Dams, Magat, PAGASA-Hydrometeorology Division, pantabangan, San Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.