Nasawi sa landslide sa minahan sa Toledo City, Cebu umakyat na sa 4; may 6 pang nawawala

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2020 - 06:34 AM

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawing minero sa landslide na naganap sa isang mining site sa Brgy. Biga, Toledo City, Cebu.

Pinaghahanap naman pa ang anim pang nawawalang mga minero.

Dahil sa insidente, iniutos ng Mines and Geosciences Bureau sa Central Visayas ang suspensyon sa open-pit mining operations ng Carmen Copper Corp. (CCC).

Ayon kay MGB-7 Director Arman Malicse, batay sa insiyal na imbestigasyon, ang ground ng Biga Open Pit mining ay gumuho matapos ang ilang araw nang pag-ulan.

Nagdulot ito ng 15-meter tsunami-like phenomenon na tumama sa sampung minero.

Habang umiiral ang suspensyon, magsasagawa ang MGB ng imbestigasyon sa nangyari at kabilang sa aalamin kung sumusunod ba ang CCC sa safety protocols.

Kung mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan ay sasampahan ng kaso ang kumpanya.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Carmen Copper Corp, CCC, cebu, Inquirer News, Mines and Geosciences Bureau, open-pit mining operations, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, toledo city, Breaking News in the Philippines, Carmen Copper Corp, CCC, cebu, Inquirer News, Mines and Geosciences Bureau, open-pit mining operations, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, toledo city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.