12 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Punta Princesa, Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2020 - 05:47 AM

Sa evacuation centers magpapasko ang aabot sa 12 pamilya makaraang masunog ang kanilang tirahan sa Punta Princesa, Cebu City kagabi.

Nagsimula ang sunog alas 8:30 ng gabi ng Martes (Dec. 22) sa bahay ng isang Jojie Fernandez at mabilis itong kumalat sa mga kalapit na bahay.

Ayon kay Fire Offices 2 Fubert Navarro ng Cebu City Fire Station, 6 na bahay ang totally damaged habang 6 pa ang partially burned.

Aabot sa P7.5 million ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naideklarang fire out alas 10:16 ng gabi.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Cebu City, fire, Inquirer News, Philippine News, Punta Princesa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Cebu City, fire, Inquirer News, Philippine News, Punta Princesa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.