Extreme Northern Luzon apektado pa din ng Tail-end of a Frontal System
By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2020 - 05:01 AM
Tail-end of a Frontal System ang umiiral sa Extreme Northern Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan, Isabela, Aurora, at northern Quezon kabilang ang Polillo Islands dahil sa Easterlies.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.