Gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, higit 25,240 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 27,346 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang December 22.

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,353 o katumbas ng limang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

25,240 o 92 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 753 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 22,535 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

 

Read more...